Jasmine Curtis ganap na Kapuso na




Umugong nga sa social media ang di umanoy paglipat ng Actress na si Jasmine Curtis sa GMA station. Alam naman ng karamihan na galing din ang actress sa TV5 Station na kung saan siya ay bumida sa mga ilang projects at tv shows tulad ng Ang Panday.



Pero Kumpirmado nga!!

Noong martes, April 17, 2018 pumirma na nga ng kontrata ang actress sa GMA. Present nga ang GMA Chairman/CEO Felipe Gozon, Senior Vice President na si Lilybeth Rasonable, Senior Assistant Gigi Lara at ang manager ng actress na si Betchay Vidanez.

Ang huling tv appearance neto ay ang Ang Panday noong 2016 na pinagbidahan ng makisig at magaling na actor na si Richard Guttierez, ang actress ang leading lady ng actor na si Richard Guttierez.


Marami naman ang mga netizen ang nagsasabi na itatambal daw ang actress kay Alden Richard. Kung mangyayari nga ito, Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga fans ng ALDUB? Alam naman natin na ang nagclick  at successful na Loveteam ay ang Aldub (Alden Richards at Maine Mendoza)

Iyon na ba ang pagkakabuwag ng ALDUB at magiging independent actor na ba sina Alden Richards at Maine Mendoza?



Marami din ang nagtatanong, Bakit hindi sa ABS-CBN lumipat ang actress na si Jasmine Curtis? Kung saan naroon din ang kanyang ate na si Anne Curtis-Smith.







No comments

Powered by Blogger.