Thesis Life (BSIT)

Naririnig mo palang "THESIS" sakit na sa ulo diba? 


Hay nako! Sinabi kopa (hala? Kinausap ang sarili! Hahaha)


Pano nalang kung sa thesis niyo e 1 each group lang, Buti nalang samen 3 member each group. (Bachelor of Science in Information Technology)


Yung isa, Syempre Programmer.. Yung pangalawa, ABA!! syempre sa Docu. Yung pangatlo... mawawala ba naman si Manager? Hahaha OO!! Money funder!!



Nung una siyempre kami ng mga groupmates ko, Isip isip "kuno" ng title para i suggest sa adviser if approved ba niya or hindi. Syempre feeling matalino ka nmin nun pag nag sasuggest na ng title. Tatlo pa nga naisip namin na gagawin e, Kaso ano napala?! Rejected lahat!! Hahahaha pag iisip palang ng title, LIGWAK GANERN na! Pano pa kaya sa mga defense? Pero sa awa ng Bathalumang ether, Charot!! Syempre ni PAPA GOD, ayun nagkaroon din kami ng approved title. Wow! Achievement. Hahahaha



Title Defense.....


Aba, ayan na po start na ng gisaan, Lahat kami syempre kabado, Alien nalang di kinabahan sa mga defense. Syempre sasabihin mo "Ba't ako hindi man ako kinabahan nung title defense namin?" Mayabang ka e. Hahhaha charot!! HUWAG KANG ANO, LAHAT KINAKABAHAN SA DEFENSE!! Hahaha. Pero mabalik sa usapan, Ayun nga Title defense na, Syempre prepared food dba para kahit sa pagkain man lang mabawi mo hahaha after nun syempre nagpapractice kami ng mga sasabihin namin dba? Medyo kahit papano alam mo sa sarili mo na kaya mo, Pero during title defense na, Ba't ganooooooown? BLOCKED OUT mga utak namin (Syempre kahit papano may utak padin naman kami. Hahahaha) 1hour mahigit ata kami ginisa, Yunggusto mo nlng na matapos lahat lahat pati yung oras kasi ayaw mo na magisa. Hahaha pero syempre pasalamat padin kay Bathalumang Embre, CHAROT!! Syempre kay PAPA GOD, Natapos din ang title defense! Ba't ganon? Title def. palang pero parang ayaw na namin. Hahahahaha



System and Docu....


Eto na, Pag gawa na ng system and docu. Eto ang matindi, Patayan na to! Hahahaha yung system mong hindi mo magawa gawa, kaya ayun kung anu-anong group sa fb ang sinalihan mo na para makahanap ka ng marunong gumawa ng system nyo, Pero buti nalang kami MATATALINO kaya kami gumawa ng system namin. Hahahahahahaha slight lang nemen hehehehe, So ayun 1 week talagang nga-nga ka kasi di mo magawa gawa talaga. Kung anu-ano na sinesearch mo sa google para lang maintindihan mo yung gagamitin mong software, Hayyy pero kapit lang. Magagawa din yan, Eto mahirap, Yung mag connect yung gagawin mong system at tska sa docu. Hirap non alam mo ba? Pero sige kaya yan. (WEW) Pero kaya pa nga ba talaga? kaiyak promise..


Pag malapit na, Final defense ayun. Nag aaway away na! Hahahaha huwag kayo!! nangyari nadin samin yan. Yung kahit hindi ka nabubusit sa ka'group mo e busit na busit ka kasi di mo padin magawa gawa yung system, Tapos aba etong si Money Funder chill chill lang kase siya yung taga bigay ng pagkain tska pera. Hahahaha!! Pero sa kakatawag mo sa lahat na ng santo magagawa mo yan promise. Dasal dasal din kase! Pero pag may nakitang error, mapapamura ka. Walang effect pagdadasal! Hahaha



Final Defense....


Mapapalunok ka nlng talaga... Ayun, final def na namin. Syempre maaga magising para magprepare di lang ng susuotin, tsaka pagkain ng mga panelist! Papogi dito, ayos doon may points daw kase yun e. Kahit man lang sa attire tumaas grade namin sana. Hahaha... Habang palapit ng palapit na kame sa school ayun na, Kinakabahan na kame. Pero syempre sa isip namin. Last nalang to, Kaya namin to!! Heart broken nga nakaya namin, Eto pa kaya?! chicken! Hahahaha CHAROT!! 


Nasa school na. Syempre prepare na kami, Tpos test din namin system namin... WTF! Ayaw gumana ng system, eh di naman ganoooooown dati. Hahaha syempre taranta na kami, pero after ilang minutes gumana din. Hanggang ngayon di namin maexplain yun, Talaga sigurong nangyayari yun. 11:00am edi start na ng finald def. Ayun na po, Gisaan na naman!! Hahaha ito talaga ayokong part hahahaha sakit sa ulo. kaubos ng energy!! Hahaha pero sige kakayanin padin. Naitawid din naman namin!!



Revision...


Puro revise nalang e no? Normal na lang yan, Kami nun naka 5 mahigit ata kami narevise, buti nlang may sarili kaming printer kaya ayun medyo nakatipid nadin. Pero sakit padin sa bulsa kasi ba naman puro revise pa naman. Hahahaha pero naitawid din namin kahit papano, Sinipagan lang tlga namin kaya natapos kami.



Kaya kayo? Kung kaya namin, Kaya niyo din. Lahat naman nakukuha sa tiyaga and sipag!

No comments

Powered by Blogger.